Friday, August 26, 2011

Mean Mode: ON

Akala ni Kuya Asel, tungkol sa Statistics.

Hehe.

Pwede naman. Parang mean, median at mode. At kaunting standard deviation at variance on the side.

Pero in this case, iba ang ibig kong sabihin.

Mean Mode. Maldita mode. Na bihira ko nang i-activate lately. Siguro ganun talaga if good things are coming your way; you let other people have it their way.

Pero what happened kanina was entirely a different story.

Well, at least for quite a while now. Kasi I have been keeping up step naman with patience since yun nga, kanina.

Pero I have got to say, I loved the rush ha.

Ewan ko sa recipient ng 'rush' na meron ako kanina kung na-love din niya.

Isang malaking kalokohan ang bus na nasakyan ko from Market! Market! Shet. Di niya nilinaw na blower pala ang gumagana doon at hindi aircon.

Shet sa sauna experience e. Uncalled for ang wala!

Sa Ayala MRT station, meron dung passage na exclusive para sa mga buntis at senior citizen. Mga ilang linggo ko na rin ino-optimize ang pagdaan ko dun lalo na kung wagas na wagas ang pila.

Bakit nga naman di ko gamitin yun? Qualified naman ako a . Pregnant, 38 weeks to be exact.

Kaya nga go ang lola mo dun kanina hanggang sa may isang hitad blurting out when the lady guard had me prioritized:

'ANO BA YAN!'

Aba, at ipinagsiksikan pa niya ang sarili niya para mauna siya.

Ikaw na, ikaw na ang nagmamadali.

Kung ikayayaman mo ba naman yang pagmamadali mo, mauna ka te.

Madapa ka sana.

The lady guard was apologizing to me, " Pasensya na Ma'am, ha?"

I smiled back. Si Ate, she's been accommodating all this time.

Yung hitad, sawa na yata sa buhay niya. Tancha ko lang. Based sa inasal niya, bored na yun. Kailangan niya ng pampagulat.

Ke aga-aga, pa-aso-aso.

I felt me sigh heavily. In a split second, napaisip ako, let go situation ba ito o paisa-lang-talaga-ngayon-lang kind of moment?

Shet. And there I was. Going full gear. Alam na.

The next thing I know, I ran by her, gave her a nodge she could feel, at isang pamatay na head to toe na tingin.

I swear, mas matalim pa sa mga shuriken ni Naruto ang mga tingin ko!

Kung nakakasugat lang yun, di na siya makakausad pa sa kinatatayuan niya sa escalator ng Ayala. Duguan na siya.

Ok, ok. Alam ko ang morbid na. Enough na.

I just made sure she saw with her painfully malabong mata or maybe more of her moronic judgement na BUNTIS ako tapos she'll go bratty forcing her way to the entrance pushing me aside.

Sos.

Masisi mo ba ako if I felt good after what I did?

Jef was trying to pacify me over the phone.

But the rush was quite tickling.

Well, may mga araw talaga na papatol at papatol ka.

Sasabihin mo sa sarili mo, 'Paisa lang.'

Lalo na't innate ang pagkamaldita mo.

Naman!

Malas ng recipient.

Wrong place, wrong time e.

 

 

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment